Biyernes, Oktubre 30, 2020

Kasaysayan ng Pransiya

       

 

 


Ano nga ba ito? Bakit kailangan na ito ay atin pang pag-aralan o talakayin? Ang daming tanong sa ating isip, ngunit isa lang ang bagay na aking nasisigurado, dahil kailangan din natin magkaroon ng kaalaman patungkol sa bansa nila. Kailangan ito dahil maaari nating magamit ang ating napag-aralan ngayon para sa kasalukuyan. Halika at samahan mo akong tuklasin ang kanilang kasaysayan, kultura, at kung ano ano pa. 

      Ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan o Gawad Palanca ay isang pinakabantog at pinakamatagal na gawad pampanitikan at binansagang "Gantimpalang Pulitzer" ng Pilipinas.  Alam niyo ba na babae ang kauna-unahang nagwagi ng grand price sa prestihiyosong Palanca literary award sa Filipino short story category noong 1951. Ang (Don) Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay itinatag noong 1950 bilang pagkilala sa mga alagad ng sining sa pagsusulat sa wikang Ingles at Filipino. Para sa'kin, ang pagtangkilik sa kanilang gawa ay upang makilala, dahil sa ating pagtangkilik sa kanila ay magkakaroon ng daan upang makilala rin ang panitikan ng ating bansa.  
   




        Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang latin na "Francia", na ang ibig sabihin ay "Lupain ng mga Prangko".   Ang bansang Pransya ay nagmula sa pagkapira-piraso ng imperyong Carolingian, nang ang Hugh Capet ay naging Hari ng Kanlurang Pransya noong 1987 at ay pinagsama-sama at pinalawak niya ang teritoryo, na kilala bilang “France”. Ang Pransiya ay isa sa mga pinakamatandang bansa sa buong mundo. Ito ay ang produkto ng isang alyansa ng mga pamunuan ng isang pinuno. Hanggang ngayon, ang Pransiya ay isang malayang bansa sa Kanlurang Europa. Ang Pransiya ay may malaking tungkulin sa mga kaganapan sa Europa. Ang simula ng Pransiya: Ang Gaul ay napapailalim sa mga pag-atake ng mga barbaro at paglilipat nila, ang pinakamahalaga: Germanic Franks. Ang Frankish na hari na si Clovis I ay nagkakaisa sa karamihan ng Gaul sa panahon ng kanyang panuntunan sa huling ika-5 siglo, na nagtatakda ng yugto para sa pangingisda ng Frank sa rehiyon sa daan-daang taon. Ang pinakamalawak na kapangyarihan ay umabot na sa buong lawak nito sa ilalim ng Charlemagne. Lumitaw ang Medieval Kingdom of France mula sa kanlurang bahagi ng Charlemagne’s Carolingian Empire, na kilala bilang West Francia, at nakakamit ang pagtaas ng katanyagan sa ilalim ng panuntunan ng House of Capet na itinatag ni Hugh Capet noong 1987. Ang Pransiya ay naging isang hiwalay na bansa noong ika-9 siglo.


     Si Napoleon Bonaparte na nabuhay noong 1769 hanggang 1821 ay kilala rin sa pangalan na Napoleon I. Siya ay isang Pranses na lider ng militar at isa ring emperador na sinakop ang Europa noong 19th century. Si Bonaparte ay hindi naging matatas sa pagsasalita ng Pranses at gumaling lamang nang pumasok siya sa paaralan ng militar sa Brienne sa Pransya mula noong 1779 hanggang 1784. Matapos niya makumpleto ang mga kurso na kinuha niya sa Brienne ay sa École Militaire naman siya nagpunta, isa itong mas advanced na Akademya Pangmilitar sa Pransya. Nagtapos siya noong 1785 at naging artilerya opisyal sa hukbong pangmilitar ng mga Pranses.Si Napoleon ang nagbigay kalayaan sa pagtatag ng isang republikang pamahalaan na tinatawag na Directory. 








        Ang kanilang kasalukuyang presidente ay si Emmanuel Jean-Michel Frederic Macron o mas kilala sa tawag na "Emmanuel Macron". Si Emmanuel Macron ay naluklok sa kaniyang posisyon noong ika-14 ng Mayo taong 2017. Ang pambansang awit nila ay "La Merseillaise". Kabisera ng Pransiya ay Paris, uri ng pamahalaan ay Demokratikong Republika, ang tawag sa mamamayan na nakatira sa Pransiya ay Frances o Prangko. Ang wika ay Pranses, no ong 1999 ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig. Sinasalita ito higit-kumulang na 77 milyong katao. Ang pangunahing relihiyon sa kanila ay Katoliko.

Kultura ng France: by rhem cuizon



          Rhineland ang unang tawag sa France noong panahon ng Iron Age. Gaul naman noong panahon ng Roman Era. Kadalasan ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris, na sentro ng moda, pagluluto, sining, at arkitektura subalit ang buhay sa labas ng lungsod ay ibang-iba at nagkakaiba sa bawat rehiyon. Ang kultura ng Pranses ay naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture gayundin ng Franks, isang grupong German. Ekspresyong "Chauvinism" labis o sobrang paniniwala o pagtangkilik sa bansa, lahi, atbp. Male-dominated Culture, "Egalite" pagkakapantay-pantay. Motto: "Liberte, Egalite, Fraternite" mas pinahahalagahan ang pagkakapantay-pantay. 


         Ang mga pagkain, kasuotan at sining sa Pransiya, pagkain at alak, ito ang sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan. Tinapay, ito ay mahaba, crusty baguettes. Keso, malapot na sarsa at kumplikadong paghahanda. Boeuf bourguignon, ito ay isa sa mataas na uri ng pagkain, Coq au vin, ulam na may manok. Ang Pransiya ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses, kilala sa pagiging sopistikado, disente at sunod sa uso. Sining, impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococo at Neoclassic, makikita ang mga sining sa maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali. Louvre Museum, ito ay isa sa pinakamalaking museum at tahanan ng mga kilalang sining. Mga piyesta at pagdiriwang sa Pransiya, pasko at mahal na araw, May day o araw ng mga manggagawa, araw ng tagumpay sa Europa (Mayo 8). Araw ng Bastille (Hulyo 14) ito ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo ng mga rebolusyunista upang masimulan ang rebolusyon sa France.

         



 










 



Kasaysayan ng Pransiya

            Ano nga ba ito? Bakit kailangan na ito ay atin pang pag-aralan o talakayin? Ang daming tanong sa ating isip, ngunit isa lang ang...